Breaking News

Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa Bagyong Agaton

Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Miyerkules Santo dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Agaton.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA), kabilang sa mga kanseladong biyahe ay ang flight 5J483 ng Cebu Pacific na Manila-Bacolod at ang return flight na MJ484.

Kanselado rin ang Cebu Pacific flight 5J891 at 5J892 na biyaheng Manila-Caticlan-Manila at CebGo flight BG6177 at BG6178 na biyaheng Manila-Masbate-Manila.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airlines na kinuhanan ng tickets para sa re-booking o re-fund.

Samantala, sa kabila ng sama ng panahon ay tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA na magbabakasyon sa iba’t-ibang probinsiya ngayong Semana Santa.

BNFM Batangas

Recent Posts

Exporters sector, hihirit ng moratorium sa mga wage hike; Ilang kongresista naman, umapela

Posibleng hilingin ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines sa gobyerno na magpatupad ng…

12 mins ago

Pamahalaan, patuloy na nakikipag-uganayan para sa pagpapalaya ng 3 pang natitirang Pinoy seafarers

Patuloy na kumikilos ang pamahalaan para mapalaya na rin ang tatlo pang natitirang Pinoy seafarers…

27 mins ago

Presensiya ng Chinese vessels sa isinagawang pagsasanay sa katatapos lang na Balikatan exercise sa WPS – ‘expected’ na raw ng militar

'Expected' na raw ang presensiya ng Chinese vessels sa isinagawang multilateral maritime exercise sa katatapos…

32 mins ago

4 na Sorsoganon, napabilang sa mga nominado sa 2024 Search for Outstanding Gov’t Workers ng CSC Bicol

Inanunsyo na ng Civil Service Commission (CSC) Bicol ang listahan ng mga nominado para sa…

1 hour ago

5 oras na patubig, inireklamo; NIA, nagpaliwanag

Inireklamo ng ilang magsasaka sa Brgy Taboc at Catan-agan Juban ang hindi sumasapat na patubig…

2 hours ago

‘Totoy,’ minolestiya ni ‘Manay’

Arestado ng mga tauhan ng Sorsogon City Police Station ang 34-anyos na babaeng wanted sa…

2 hours ago