Luzon

Presyo ng isda ngayong Semana Santa, tumaas na sa Naga City

NAGA CITY – Inaasahan ang pagtaas ng presyo ng mga isda tuwing sumapasapit ang Semana Santa.

Ito ang sinabi ni Nonie Enolva, Public Information Officer ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol nang makapanayam ng Brigada News FM Naga.

Sa Naga City People’s Mall tumaas na ang presyo ng ilang isda katulad na lamang ng Tanguigue na dating P250 ngayon P450 na, ang Galunggong na P180 dati, P250 na ngayon at sa bangus na kung dati P160, P200 na ang bawat kilo. Ito ay batay sa tala ng Naga City Price Coordinating Council.

Pagpupunto nito sapat naman ang supply pero mataas din ang demand sa mga isda lalo pa’t panahon ng pag-aayuno ng mga katoliko; isda at gulay ang kinakain kaysa sa karne.

Samantala , walang naitalang fish mortality o fish kill ngayong masama ang panahon dahil sa Bagyong Agaton.

Matindi ring binatabanyan ngayon ng ahensya ang dalawang lake sa Camarines Sur, ang Lake Bato at Lake Buhi lalo’t harvest season.

BNFM Naga

Recent Posts

‘Car-free Sundays’ sa Roxas Boulevard – magsisimula na bukas

Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…

19 hours ago

Dating PNP chief Albayalde – ‘di nangangamba sa ICC investigation

Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…

20 hours ago

DOLE Sec. Laguesma, dinepensahan ang sarili matapos tawaging ‘unpopular labor secretary’

Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…

20 hours ago

Malakas na solar storm – tumama sa daigdig

Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…

20 hours ago

Mga patay na corals – tinambak umano sa Sabina o Escoda Shoal ayon sa PCG

Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…

20 hours ago

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 10-anyos na estudyante sa South Cotabato

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…

20 hours ago