CANORECO MAIN OFFICE NASA TALISAY NA

CAMARINES NORTE- Inilipat na sa gusali ng Hotel Mega Star sa Brgy. Itomang, Talisay ang main office ng Camarines  Norte Electric Cooperative (CANORECO) kahapon.

Yan ay matapos ang halos dalawampu’t walong taong pananahanan sa dati nitong opisina sa Brgy. 1, dito sa Daet na tinaguriang “Landmark of Cooperation” mula noong September 1993.

Batay sa anunsiyo ng naturang kooperatiba ng kuryente sa kanilang official social media account, ang mga inilipat na departamento ay ang Institutional Services Department (ISD), Finance Services Department (FSD), Internal Audit Department (IAD), Technical Services Department (TSD), Corporate Services Department (CSD), at Office of the General Manager (OGM).

Ang paglipat umanong ito ay dahil sa peligrong maaaring dala ng pagkasira ng “riprap” at ng pagguho ng lupa sa likod ng dating opisina.

Bukod dito, kinailangan na ring bawasan ang “load” nito sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga opisina sa loob dahil luma na rin ang nasabing gusali.

Gayunman mananatili  sa dating opisina  dito sa Daet ang Area 1 Office na may hawak sa Bicol Speaking Towns upang tumugon sa pangangailangan ng mga Member Consumer Owner (MCO) na magbabayad ng mga bayarin, magpapakabit ng kuntador at mga gawaing may kinalaman sa linya ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *