Ilang empleyado nagsagawa ng rally sa harap ng municipal hall ng San Vicente, Palawan

Nagsagawa ng rally ang ilang empleyado ng mga departamento sa bayan ng San Vicente nitong Lunes ika-3 ng Enero 2022.

Ayon sa kanila, Kinukondina nila ang mabagal na pag-apruba ng Sanguniang Bayan sa annual budget ng munisipyo.

Dahil dito pansamantalang mawawalan ng trabaho ang mga kontrakwal na mga empleyado (Contract Of Service).

Depensa ng Sanguniang Bayan Member, maraming depektibo at aayusin sa annual budget kaya’t ibinalik ito sa Mayor’s office subalit hanggang ngayon ay wala pang aksyon ang tanggapan ng alkalde. Wala umanong dapat mangamba ang mga contractual dahil may nakalaang ₱63 milyon ang executive branch at ₱45.5 milyon nito ay nasa Mayor’s Office.

Ayon pa sa Sangguniang Bayan ng San Vicente , scripted ang isinagawang rally ng mga empleyado at panawagan nila na tigilan ang pamumulitika, at pagtuonan na lamang ang pamamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo at pagbangon ng Bayan ng San Vicente.

Pinapayuhan ang ilang contractual employee na magpasok at magreport sa kanilang mga opisina dahil babayaran din umano ang oras nila sa kanilang trabaho.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *