Ilang gov’t agencies, nagbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng sunog sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – May mga nagsipaabot na ng tulong o ayuda mula sa ilang mga government agencies sa mga naapektuhan ng nangyaring sunog kagabi sa Brgy. Lapu-lapu at Brgy. Victory Village sa Legazpi City.

Ayon kay Lapu-lapu Kap. Karren Cannon-Valdez ng Lapu-Lapu at Victory Village Kap. Antonio Loveriza, kagabi palang ay mayroon nang nagbigay ng tulong.

Kabilang sa mga nagbigay ng tulong ang isang partylist, ilang mga opisyal at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kaninang umaga naman ay pumunta umano ang Office of the Governor, Atty. Edcel “Grex” Lagman ng Albay na nagpadala ng mga materyales at kagamitan tulad ng yero at iba pa.

Kabilang din sa mga nagpaabot ng tulong ang Philippine Red Cross, at iba pang mga opisyal at organisasyon.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang BFP Legazpi upang malaman ang pinagmulan ng sunog at total damages nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *