Ilang indibidwal, ikinulong umano dahil sa unpaid hospital bills

Naghain nang magkahiwalay na reklamo ang dalawang biktima na residente ng Valenzuela City, laban sa mga empleyado ng ospital dahil sa pagkulong umano sa kanila makaraang hindi makabayad ng hospital bills.

Kwento ng isa sa mga biktima na si Richel Mae Alvaro, dinala niya ang kaniyang asawa sa naturang ospital pero kalaunan ay nasawi ito noong February 14 at hindi ito pinayagang makauwi dahil sa nakabinbing higit kalahating milyong pisong bayarin.

Aniya hindi rin siya pinalabas ng ospital para bumili ng pagkain at bantay sarado pa ng security guards ng halos tatlong araw.

Ayon sa kanya, noong february 17 lang siya nakauwi nang makatakas sa likod ng ospital.

Dagdag pa ng mga biktima, tumanggi rin ang ospital na ilabas ang death certificates ng kanilang kaanak habang hindi pa bayad nang buo ang bill.

Ayon sa alkalde, tila lumalabas na nakasanayan na ng ospital ang modus na ito dahil tila may proseso ang ospital at may detention center.

Nakatutok na si Mayor Wes Gatchalian sa kaso at binigyan na rin ng libreng legal service ang mga biktima na pormal nang naghain ng kasong illegal detention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *