Ilang islang Barangay ng Camarines Norte tinungo ng PSA para sa PhilSys registration

Tinungo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ilang islang Barangay sa Camarines Norte para sa Philippine Identification System (PhilSys) registration.

Ayon sa PSA, nasa 274 na indibidwal ang nairehistro sa Barangay Caringo, Quinapagian at Apuao sa bayan ng Mercedes at nakapamahagi rin ng nasa 110 ePhilIds.

Umaabot naman sa 660 indibidwal ang nairehistro sa mga Barangay ng Mangcawayan, Pinagtigasan at Banocboc, Calagaus island sa bayan ng Vinzons at nasa 323 ePhilIDs naman ang naipamahagi.

Kasama na sa mga nirehistro ay ang mga batang edad 1 hanggang 4 na taong gulang. Bukod sa registration at pamamahagi ng ePhilIds, nagsagawa rin ng house to house visitation ang PhilSys team para ipaliwanag ang kahalagahan at mga benepisyo ng pagkakaraoon ng national Id.

Batay sa pinakahuling datos ng PSA hanggang nitong April 30, 2024, umaabot na sa  501, 337  o 95.7 % na indibidwaql ang nairehistro sa PhilSys.

Target umano ng ahensiya na maabot ang 92 million registration sa buong bansa sa Hunyo at nakatulong ang pagrerehistro sa mga batang edad 1 hanggang 4 na taong gulang para madagdagan ang registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *