Ilang jeepney cooperative sa Naga City, nakapag-consolidate na para sa jeepney modernization

NAGA CITY – Sa kabila ng marami pa ring mga jeepney operators at drivers sa Naga City, ang hindi pa rin pabor sa PUV o Jeepney Modernization, ilan sa mga Jeepney Cooperative sa lungsod ang nakapag-consolidate na.

Sa panayam kay Antonio Dela Trinidad, jeepney driver biyaheng Cararayan-San Isidro at miyembro ng Naga City Transport Cooperative, isa ang kanilang kooperatiba na may 26 na unit ang nasa proseso na at ilan sa mga operator plano na ring bumili ng unit, na ang iba nagdadalawang isip pa dahil nga sa halaga ng bawat unit na huhulugan pa.

Maliban pa riyan, ayon pa kay Dela Trinidad, isa rin sa dahilan kung bakit hindi rin siya bapor dahil na rin sa magiging fixed o minimum wager na sila na kung isang araw may kita na P500.00 magiging P300.00 higit na lamang ito, kung saan mahirap dahil mababa na ang kita lalo na para sa mga maliliit na jeepney owners.

Kaya lamang aniya wala rin daw silang magagawa lalo kung ang Gobyerno na mismo ang may kagustuhan na sana mas mabigyan pa ng mas malalim na pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *