Ilang jeepney drivers sa Naga City, hindi pa nakakatanggap ng fuel subsidy

NAGA CITY – Ilan sa mga jeepney driver sa Naga City, hindi pa nakakatanggap ng fuel subsidy hanggang ngayon na Programa ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB.

Sa panayam sa dating Presidente ng NASITCO Transport Cooperative, Francis Camacho, biyaheng Cararayan, San Isidro, sa 26 na unit ng sasakyan, ilan sa kanila ay nabigyan na ng P6,500.00 na fuel subsidy samantalang ang iba ay wala pa o hindi na malalagyan ng subsidiya, ilan sa dahilan ay nakahold o hawak pa ng mga operator.

Malinaw sa guidelines ng LTFRB na direkta dapat sa mga driver kaya lamang napag-alaman ng BNFM Naga na ilan sa mga operator ay nakikihati o hindi na ibinibigay sa mga driver.

Ito sana ay malaking tulong sa mga driver lalo na’t karamihan ay nakikiboundary lamang at malaking kabawasan na sana sa gastusin lalo na mahal pa ang mga bilihin at gasolina.

Una nang nag abiso ang LTFRB na mag inquire sa opisina nila sa Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *