Ilang legal expert naghain ng petisyon laban sa 2022 CIF ng OVP

Naghain ng petisyon ang ilang legal experts para maibalik sa kaban ng bayan ang P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President na ginastos sa loob lang ng 11 araw.

Ayon kay Executive Director ng Ateneo Human Rights Center Atty. Arpee Santiago, ang naturang hakbang ay panghihimasok sa tungkulin ng Kongreso na may ekslusibong karapatan sa paglalaan ng pondo.

Sinabi pa ni Santigao na walang isinabatas na confidential expenses para sa OVP kaya ilegal ang naturang hakbang.

Sinabi naman ni Atty. Barry Gutierrez, kasama sa hiling nila sa Supreme Court na maisauli ang pera kapag napatunayang labag sa batas ang ginawang paglilipat ng pondo.

Nakasaad sa petisyon na dapat ibalik ng OVP ang budget sa pamahalaan.

Isinawalat din nila na inexisting item o wala sa 2024 budget ang P125 milyong confidential fund ng OVP kaya isang panghihimasok sa kapangyarihan ng kongreso ang hakbang ng Department of Budget Management na pondohan ang item na wala naman sa ipinasang budget ng kongreso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *