Ilang LGU sa Camarines Sur, tutol na lumabas ng bahay ang mga bakunadong Senior Citizens

NAGA CITY—Hindi sangayon ang ilang LGU sa Camarines Sur sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force na maaari ng lumabas ng bahay ang mga bakunadong Senior Citizens.

Tutol dito ang LGU Garchitorena at LGU Caramoan.

Ayon kasi kay Rodel Dela Cruz, MDRRMO Chief ng Caramoan, hindi garantiya ang bakuna para hindi na tamaan pa ng COVID-19 bagkus inaalis lamang aniya nito ang severity o malalang epekto ng virus. Ibig sabihin, kahit bakunado kana ay maaari kaparing tamaan at makahawa ng sakit.

Bagamat makakadagdag ito ng kumpiyansa sa ibang matatanda na magpabakuna ay baka sila naman aniya ang sisihin sa huli kung tatamaan parin ang mga ito ng sakit.

Nauna nang ipinagbawal ng pamahalaan na lumabas ng bahay ang 65 taong gulang pataas para sa mga non-essential trips dahil maituturing silang high risk para sa severe COVID-19 pero, nito lang nakaraang araw ng sabihin ng IATF na maaari ng  lumabas ng bahay ang mga senior citizen na kumpleto na ang bakuna subalit kaila­ngan nilang ipakita ang ka­nilang COVID-19 vaccination cards kapag hinanap sa kanila kasabay pa rin ng pagsunod sa minimum health standards.

Dagdag pa ni Dela Cruz, kung maaabot ang target na herd immunity sa kanilang bayan saka palang nila papayagan ang mga ito na lumabas ng bahay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *