Ilang LGUs sa Metro Manila, handa na sa modified working hours

Handa na ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na i-adopt ang bagong working schedule simula sa May 2.

Sa Malabon City, 7:00 AM hanggang 4:00 PM na ang oras ng pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod sa Huwebes.

Ipatutupad naman ang alternative skeleton workforce na 7:00 AM-4:00 PM at 8:00 AM-5:00 PM na pasok sa mga opisinang direktang naglilingkod sa publiko para masiguro ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 AM-5:00 PM.

Sa Caloocan City, ang mga kawani ay papasok simula 7:00 am hanggang 4:00 pm, maliban sa Business Permit and Licensing Office, City Treasury Department, City Assessment Department, at Public Information Office na kinakailangan pa ring pumasok simula 8:00 am hanggang 5:00 pm.

Mananatili namang 24/7 ang paglilingkod ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Safety and Traffic Management Department, City Environmental Management Department, Caloocan City Medical Center, at Caloocan City North Medical Center upang matugunan ang pangangailangan ng mga Batang Kankaloo.

Sa Navotas City, 7am-4pm na rin ang pasok ng mga kawani ng City Hall alinsunod na rin sa resolusyon ng Metro Manila Council.

Exempted naman sa EO ang mga tanggapan na may shifting schedules, gaya ng traffic management, emergency preparedness and response, at peace and order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *