Ilang estudyante sa Naga City, biktima ng overcharging ng ilang tricycle driver

NAGA CITY – Ilang mag-aaral sa lungsod ng Naga, biktima na naman ng mga mapang-abusong mga tricycle driver, kung hindi binibigyan ng diskwento, ang iba sinisingil ng sobra o overcharging.

Kaugnay ito sa reklamong ipinaabot sa Brigada News FM Naga, ruta mula sa isang kilalang mall sa Brgy. Sabang hanggang sa may Abella, kung saan humihingi lamang ng sukli, driver pa ang mismong nagalit, liban pa ito sa ilang hiwalay na insidente kung saan ang iba hindi binibigyan ng diskwento.

Sa panayam kay Kagawad Gil Belen, ng Barangay Dayangdang at Federation of E-Trike/Trimobile Operators and Drivers Association o FETODA President, sa gagawing pagpupulong bukas idudulog niya sa Committee on Transportation ang problema na dapat kahit walang reklamong ipinaabot, dapat na mabigyan pa rin ng karampatang parusa at aksyon, makikipag-coordinate din siya sa mga School Heads, PTA President nang maka-usap at ma-orient ang mga mag-aaral lalo na kadalasan mula sa labas ng lungsod ang mga nabibiktimang mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *