Ilang malalaking media personalities sa Albay hindi dadalo sa inagurasyon ng BIA dahil sa mahigpit na protocols

Ayon sa ilang media personalities sa Albay at news networks, ikinadismaya ng mga ito ang inilabas na guidelines at protocols ng Presidential Security Group (PSG) at Malacañang Media Accreditation and Relations Office (MARO).

Tanging pinapayagan namakakadalo na media sa inaguration ng BIA ay mayroong maipapakita ng RT-PCR at Vaccination Card.

Layunin ng MARO at PSG ay maiwasan na magkaroon ng positibo sa covid 19 ang mga dadalo sa aktibidad at kailangan protektahan ang Pangulong Duterte sa naturang sakit.

Ayon pa sa mga reklamo ng media ay sasagutin ng kompanya o sariling pera ang gagastusin para sa RT-PCR test result kung saan nagkakahaga ito ng P2800.

Ayon naman kay Rhayds Barcia, Chairman of the Board, Secretary General of the Philippines Network of Environmental Journalists (PNEJ), limang taon na itong “ban” ng Malacañang dahil sa kabila ng madalas na kanyang pagkakaugnay o affiliation sa mamalalaking Print Media sa bansa.

Dahil dito hindi umano mabibigyan ng pagkakataon na makapagtanong sa Pangulo ng bansa tungkol sa inagurasyon at iba pang isyu na kinakaharap ng bansa.

Paglilinaw naman ng DOTr ang hindi makakadalo sa nasabing aktibidad ng BIA ay magkakaroon naman ng facebook live upang makakuha ng mga impormasyon sa mga sasabihin ng Pangulo Rodrigo Duterte, Sec Art Tugade at iba pang opisyal ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *