Ilang mambabatas, itinutulak ang mandatory CCTV sa mga business establishment

Hinimok ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na ang Kamara na aprubahan ang panukalang obligahin ang mga business establishment na maglagay ng mga CCTV.

Ayon kay Yamsuan ang paggamit ng CCTV at iba pang modernong technological tools ay napakahalaga upang mapigilan ang krimen at matulungan ang mga pulis sa pagresobla sa mga kaso.

Giit pa niya na makakatulong din ito upang mabantayan ang mga pulis sa pang-abuso sa kanilang tungkulin.

Ipagbabawal naman ang paglalagay ng CCTV camera sa mga palikuran, changing room at mga katulad na lugar.

Si Yamsuan ay co-author ng House Bill 8068 na naglalayong obligahin ang mga business establishment na mayroong 20 o higit pang empleyado o ang daily transaction amount ay P50,000 na maglagay ng mga CCTV camera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *