Ilang Marcos supporters, nagkilos-protesta sa harap ng Senado upang ipanawagang papasukin ang ICC sa bansa

Hindi inalintana ng ilang Marcos supporters ang tindi ng init sa labas ng Senado upang isagawa lang ang kanilang kilos-protesta.

Ayon kay Nanay Jean, sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen ay alas sais pa lang ng umaga ay nandoon na siya habang ang iilan naman ay mas maaga pa sa kanya.

Katulad ng mga nakasulat sa mga bitbit na placards at tarpaulin ng mga ito, ani Nanay Jean ang kanilang tanging panawagan lang sa Pangulo ay papasukin ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Ito ay upang mapanagot si dating pangulong Rodrigo Duterte sa naging madugong ‘war on drugs’ at maging ang ilan pang sangkot dito tulad umano ni dating Philippine National Police (PNP) chief Sen. Ronald Bato Dela Rosa.

Maalala, ayon kay dating senador Sonny Trillanes IV may nakausap ng mahigit limampung PNP officials ang ICC.

Samantalang, nakaplano na umano sa darating na Hunyo o Hulyo ang paghahain ng arrest warrant ng ICC kay Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *