Ilang medical personnel ng Naga City Health Office tinamaan ng covid-19; window transaction ipinatupad

NAGA CITY – Window transaction muna ang pansamantalang ipinatutupad mula sa araw na ito sa Naga City Health Office, matapos na mag-positibo sa COVID-19 ang ilang mga medical personnel at empleyado.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Registered Nurse Magno Reyes, Head ng Barangay Health Workers ng lungsod.

Karamihan sa mga ito ay mga exposed sa barangay at nakikipag-usap sa mga may sakit tulad ng mga nurses, midwives at BHWs

Limitado lang aniya ang mga empelyado, dahil sa ganitong sitwasyon para maiwasan din ang hawaan pati na sa kanilang mga pasyente.

Hindi pa alam nina Reyes kung kailan silang mananatili sa ganitong sitwasyon.

Makikita sa pinto ng City Health Office na nakapost ang kalatas na “window transaction“ bilang paalala at babala na anumang kailangan sa kanila, ay sa bintana na muna makipag-usap, may mga itinalaga ring mga personnel na mag-aassist sa mga ito.

Walang pag-lockdown sa City Health dahil wala pa namang inilalabas na direktiba ang IATF National na ma-lockdown.

Ang Naga City ay may naitala ng 73 kaso ng COVID-19 at 27 sa mga ito ay ngayong Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *