Ilang mga aktibidad bago ang Traslacion ng Itim na Nazareno – lumarga na

Mag-uumpisa na ngayong araw ang iba’t ibang mga aktibidad, ilang araw bago pa man ang mismong Traslacion 2024.

Ngayong hapon, nagsimula nang ipila sa Carriedo Street ang mga replika ng Poong Nazareno.

Ito ay para mabasbasan ng Quiapo Church simula ngayong ala-una ng hapon.

Samantala, umaasa naman ang Manila Police District (MPD) na magiging mabilis ang usad ng andas ng Poong Itim na Nazareno sa Traslacion ngayong taon.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay MPD Director PCol. Arnold Thomas Ibay – sinabi nitong gaya noong 2020 na inabot ng 16 na oras ang prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church, ganun din ang inaasahan nila ngayong taon, ngunit hindi anila isinasantabi na posibleng humaba pa ito dahil sa kasabikan ng mga deboto.

Sinabi pa ni Col. Ibay na halos 16k na mga pulis ang kanilang ipakakalat sa okasyon bukod pa ito sa mga tauhan ng AFP, BFP at PCG na magiging katuwang din nila sa pagbibigay ng seguridad sa mga deboto.

Maaalalang ilang taong hindi isinagawa ng Simbahan ang tradisyunal na Traslacion dahil na sa pandemyang sanhi ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *