Ilang mga Bicolanong magpapasko sa Maynila, sinamantala na hindi pa gaano siksikan sa bus

NAGA CITY- Inaasahan ng pamunuan ng Bicol Central Station ang pagdagsa ng mga pasahero mula sa National Capital Region (NCR), habang ang ilang mga Bicolano naman na magpapasko sa Maynila sinasamantala na hindi pa gaano siksikan ang bus.

Isa sa kanila ni Divina Reñon ng Pamplona, Camarines Sur na mag papasko sa kaniyang anak sa Maynila. Obserbasyon nito at ng mga kasamang kaanak, hindi pa gaano siksikan sa terminal.

Ayon kay Terminal Manager Nonoy Reforsado, inaasahan nilang magsasabay-sabay ang pasahero sa terminal sa unang linggo ng 2024.  Sinabi pa sa Brigada News FM Naga ni Bicol Central Station Security Officer Jenry Bolocon na sapat ang mga otoridad na mag mamantine ng siguridad sa terminal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *