Ilang mga deboto ng Itim na Nazareno emosyonal na ibinahagi ang pananampalataya sa Poon

NAGA CITY- Mapaluha ang ilang mga deboto ng Itim na Nazareno nang ikuwento sa Brigada News FM Naga ang kanilang panalangin at karanasan sa pananampalataya sa Poon.

Si Maria Salve Pormalejo, dumayo pa mula sa Tigaon, Camarines Sur para magtinda ng mga bandana at kandila para sa pista ng mapaghimalaang Poon. Baon niya ang panalangin na gumaling na ang anak na mayroong rheumatic fever.

Si Rod Aragon ng Balatas, Naga inalala ang panahong hindi siya makalakad noong 1989 at halos mawalan na ng pag-asa. Naniwala aniya niya sa himala ng Poon, nakalakad , at ngayon ay namumuhay ng maayos. Humingi rin ng tawad sa Black Nazarene sa mga panahong nakakalimot siya.

Tema ng selebrasyon ngayong taon “Boot ming mahiling si Jesus.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *