Ilang mga evacuees sa Bagong Silangan, Quezon City, nagsi-uwian na

Nagsi-uwian na nga ngayong araw ang mahigit sa 50 pamilya matapos magsilikas noong magkaroon ng force evacuation sa gitna ng hagupit ng Bagyong “Egay”, Hanging Habagat at Bagyong Falcon.

Hindi naman naiwasang magsiuwi ng mga ito upang magsimula nang maglinis sa kani-kanilang tirahan at bisitahin ang kanilang mga alagang hayop na naiwan mula noong sila ay mag-evacuate.

Samantala, ayon kay Barangay Bagong Silangan, Barangay Chairman Wilfredo Cara madali namang makababalik sa mga evacuation centers ang mga nagsiuwi sa kanilang tirahan kung sakaling magkaroon ng banta sa pagtaas ng tubig sa Montalban river.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *