Ilang mga pangunahing terminal, pinaghahandaan na ang buhos ng mga pasahero para sa long weekend

All-set na ang ginagawang paghahanda ng iba’t ibang mga terminals sa Kamaynilaan at sa ibang bahagi ng bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga magsisi-uwian sa kani-kanilang mga probinsya para bumoto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, pati na rin ang Undas ngayong paparating na long weekend.

Sa ilang mga terminal sa Cubao sa Quezon City – nagbigay na ng special permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makapag-accommodate ng mas maraming mga pasahero.

Tuluy-tuloy din ang inspeksyon ng mga otoridad sa mga road-worthiness ng mga bus; pati na rin ang estado ng mga ba-biyaheng mga drayber.

Samantala, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange naman o PITX, tiniyak ni corporate affairs and government relations head Jason Salvador na handa na rin ang kanilang land port.

Sa araw pa ng Biyernes inaasahang daragsa ang mga pasahero rito.

Sa kanilang pagtataya – inaasahang aabot daw sa 1.6million passengers ang gagamit ng PITX mula sa araw ng Biyernes, hanggang sa November 6.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *