Ilang mga Pilipino naniniwala na masagana pa rin ang kanilang pasko

Apat sa bawat sampong Pilipino ang nagsasabi na masagana pa rin ang pagdiriwang ng kanilang Pasko ngayong taon katulad noong 2022.

Base ito sa pinakahuling ulat ng bayan survey ng Pulse Asia.

Pinakamataas ang pagsang-ayon sa Metro Manila na may bilang na 62% habang sa Mindanao mas marami ang nagsabi na hirap ang kanilang sitwasyon ngayong Pasko kumpara noong 2022.

Pagdating naman sa estado ng buhay pare-pareho ang Class A hanggang C na nagsabing mabuti pa rin ang kanilang kalagayan ngayong kapaskuhan.

Samantala, lumiit ang posyento ng mga Pilipinong nagsasabi na nahigitan ng 2023 ang selebrasyon ng kanilang pasko noong isang taon.

92 naman ang bilang ng mga Pilipinong haharap sa bagong taon na may Pag-asa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *