Ilang mga residente sa Lamba, Legazpi City, dumaing matapos madamay sa 4 na araw na brownout

LEGAZPI CITY – Dumaing ang ilang mga residente sa Brgy. Lamba, Legazpi City matapos na madamay sa apat na araw na brownout sa lugar dahil hindi umano nakapagbayad sa kuryente ang kanilang barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay alyas “Mike”, sinabi nito na ang mga hindi nagbabayad nang tama ang siyang dapat putulan ng kuryente.

Gayundin si alyas “Gwapo” na sinabing dapat maging pantay-pantay lang at putulan ang mga hindi nagbabayad.

Subalit anila, wala naman na silang magagawa dahil ito ang polisiya sa Barangay Power Association (BAPA).

Samantala, kung matatandaan, nangyari ang apat na araw na brownout dahil sa kulang na babayaran ng kanilang barangay sa Albay Electric Cooperative (ALECO).

Sa ngayon, naibalik na ang supply ng kuryente sa kanilang lugar. | Brigada Intern EUGENE ROTIAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *