Ilang mga senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa Legazpi City, pumipila na para sa kanilang social pension

Bago pa man sumapit ang itinakdang oras sa pagpipila para sa social pension ng mga senior citizens sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay ay marami nang mga nakapila sa labas ng City Treasurer’s Office kaninang umaga.

Sinabi ni Constance Oliveros, supervising administrative officer ng nasabing tanggapan, sa Brigada News FM Legazpi na mula pa kahapon ay mayroong schedule para sa mga senior citizens na pinadala sa City Social Welfare and Development (CSWD) upang maikalat na sa mga barangay.

Aniya, kahapon ay natapos nang mabigyan ang lahat ng senior citizens mula sa 32 mga barangay sa lunsod; ngayong araw naman ay mabibigyan ang mula sa 24 na barangay; samantalang bukas naman ang mula sa 14 barangay.

Ang kanila umanong schedule ay mula alas nwebe ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Sinabi niya, karaniwan na sa unang isang oras ay dinadagsa ito ng mga benepisyaryo dahil ang iba sa kanilang hindi naman mula sa barangay nan aka-schedule ay nagbabakasakaling mabigyan, ngunit inuuna nila, aniya, ang mga naka-schedule.

Subalit, kapag nakita naman na umanong lumuluwag na ang pila, pinauunlakan naman ang mga senior citizens na hindi naka-schedule.

Samantala, nilinaw naman ni Oliveros na ‘risky’ para sa kanila na isagawa ang pamamahagi sa mga barangay dahil may dala silang pera at kakaunti lang naman ang mga benepisyaryo sa mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *