Ilang miyembro ng KOJC, inutusan raw na isabotahe ang pagdinig kay Quiboloy

Binalaan ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros ang sinumang sumasabotahe sa kanilang imbestigasyon na ‘wag silang linlangin dahil kahit kailanman ay hindi sila maloloko ng mga ito.

Ayon kase kay Hontiveros, sa kanilang paghahanda ay lumabas na may iilang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na inutusang magkunwari bilang testigo.

Ito ay upang pagmukhaing walang kwenta ang kanilang pagdinig sa Senado.

Samantala, tiniyak naman niya na simula pa lang ng imbestigasyon ay naging maingat at responsable na sila sa pagsala sa mga gustong magtestigo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *