Ilang PDL sa BJMP Cauayan, handang magpabakuna; 9 na personnel fully vaccinated na

Handang magpabakuna ang mga persons deprived of liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology Cauayan City habang siyam na empleyado na ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni J/CINSP Gilbert Accad ang Jail Warden ng BJMP Cauayan sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, mayroon nang 4 na senior citizen at ilan pang pangalan ng PDL ang nai-submit na ng BJMP Cauayan sa Cauayan City Health Office na handang magpabakuna.

Kaugnay dito, hinihintay na lamang umano ng ahensiya kung kailang magsasagawa ng vaccination ang CHO.

Dagdag pa niya, nasa 9 na BJMP Cauayan personnel na ang nakatanggap ng pangalawang dose ng SInovac vaccine habang 2 naman ang nakatanggap ng unang dose ng Astrazeneca sa nakaraang linggo.

Upang mapanatili naman ang zero COVID-19 cases sa pasilidad, isinasailalim sa 14 days quarantine ang mga bagong ico-commit na inmate bago ihalo sa general population negatibo man o positibo ang resulta ng antigen test.

Samantala, tiniyak naman ni Jail warden Accad na regular ang pagkakaroon ng consultation ng mg PDL sa nurse ng ahensya upang matiyak na maayos ang kalusugan ng mga PDL.

Sa ngayon ay mayroon lamang 2 inmate ang patuloy na binibigyan ng gamot dahil sa sakit na tuberculosis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *