Ilang pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar hinatulang guilty ng Korte

Hinatulan na ng Korte ang anim na akusadong pulis sa pagkamatay ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar na napagkamalang suspek sa isang operasyon sa Navotas.

Sa anim na akusado, isa lang ang guilty sa mas mababang kaso na homicide.

Iyan ay si Police Staff Sargeant Gerry Maliban.

Napatunayan sa Korte na ang bala na tumama kay Jemboy ay mula sa baril na si Police Staff Sargeant Maliban na siyang unang nagpaputok noon.

Mahaharap siya sa apat hanggang anim na taong pagkakakulong.

Isa pang pulis ang tuluyang inabswelto habang 4 na iba pa ang hinatulang guilty para sa illegal discharge of firearms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *