Ilang PWDs sa Isabela, nakatanggap ng wheelchair mula PGI

Nakatanggap ng tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang mga Persons with Disability (PWD) mula sa 12 na munisipalidad sa probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nakatanggap ng wheelchairs, pedia wheelchair, single cane, pedia walker at quad cane ang mga PWDs na dinala mismo ng PGI sa kanilang tahanan.

Ang mga nasabing PWD ay mula sa munisipalidad ng Jones, Tumauini, Alicia, Delfin Albano, City of Ilagan, Naguilian, Quirino, San Mariano, San Mateo, Ramon, Cabagan at Cabatuan, Isabela na hinanap mismo ng Focal person at staff ng Office of the Governor.

Ito ay sa ilalim ng programang Handog Tulong (Door to Door Program) para sa may mga kapansanan na layong ihatid ang tulong maging sa mga liblib na barangay.

Masaya namang tinanggap ng mga benepisaryo ang naturang tulong at nagpasalamat sa PGI sa mga assistive devices na matagal na nilang hinintay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *