Ilang residente ng Sister Therese, Concepcion Pequeña, Naga City, muling panawagan sa LGU na solusyonan ang matagal nang problema sa Sagop Creek

NAGA CITY – Sana masolusyunan na ang matagal nang problema sa basura sa Sagop Creek, Sister Therese, Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.

Ito ang muling panawagan ng ilang residente na nakatira sa naturang area sa Lokal na Pamahalaan ng Naga.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Lilibeth Monte, higit dalawampot limang 25 taon nang naninirahan sa lugar, ilang opisyal na rin kasi ang nangako noon sa kanila na papagandahin ang lugar, aayusin upang hindi na muling matambakan pa ng basura, na labis na ring nakakapwersyo lalo na ang mabahong amoy na umaalingasaw, maliban pa riyan kapag tumataas ang lebel ng tubig bumabaha.

Sa panayam din kay Marilyn Paras, anim taon nang naninirahan sa lugar, ang nakikitang dahilan nila ay ang kawalang disiplina sa pagtatapon ng basura lalo ang mga residenteng nasa taas ng kanilang area, na sana ay magawan ng paraan at mapagsabihan ng Barangay o ng naturang Pamahalaan.

Sa naging facebook post naman ni Mayor Nelson Legacion, ipapaki-usap niya sa naturang barangay na gawin din ang Sagop Creek Clean Up Drive Program maging sa iba pang barangay sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *