Ilang residente ng Taguig City, umaasa sa pantay na benepisyo

Naniniwala ang ilang residente ng Pinagsama, Taguig City na tila magiging “pilay” ang sistema sa naturang lugar kung bibigyan ng special treatment ang mga nalipat na EMBO barangays sa kanila.

Ito ay matapos manawagan ang ilang residente ng EMBO nitong nakaraang araw matapos isarado ang mga health centers sa kanila na itinayo ng Makati at magsiwalang bisa ang kanilang mga yellow at blu card.

Ayon sa ilang nakapanayam ng Brigada Manila, kung pagbibigyan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang panawagan ng mga ito na ibalik sa kanila ang mga nakasanayan nilang benepisyo sa Makati ay dapat bigyan din sila nito.

Ito ay upang matiyak umano na magiging pantay lang ang pagtrato sa kanila lalo na’t sila ang naunang residente ng Taguig.

Samantala, binigyang-diin naman ng ilang residente na kahit anuman ang maging desisyon ng gobyerno ay inaasahan nalang din nilang mapapakinabang ito ng lahat ng nasasakupan ng Taguig at hindi lang ng mga nanggaling sa EMBO barangays ng Makati.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *