Ilang residente sa Agusan del Sur, umano’y na-food poisoning

Isinugod sa ospital ang higit 100 na mga residente sa Agusan del Sur.

Ito’y matapos ang programa umanong Hot Meals on Wheels ng Red Cross para sa mga naapektuhan ng kamakailang baha.

Ayon kay Alexis Cabardo, Information officer ng Agusan del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – hindi pa tiyak kung food poisoning ang dahilan.

Aniya, isa rin sa kanilang kinokonsidera ang water source ng Barangay Tandang Sora kung saan lubog sa baha ang kanilang linya ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *