Ilang ruta ng jeep sa Metro Manila, hindi pa consolidated – ayon sa LTFRB-NCR

Higit isang linggo bago ang paghihigpit sa mga hindi nag-consolidate na mga jeep.

Inamin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – National Capital Region (LTFRB-NCR) na may mga ruta sa Metro Manila na walang nag-consolidate.

Pagtitiyak ni LTRFB-NCR Director Atty. Zona Tamayo na may sasalo sa zero consolidation na ruta.

Samantala, hindi naman sinabi ni Tamayo kung saang partikular na bahagi ito.

Ayon sa opisyal, karamihan sa hindi nakipag-consolidate ay ang mga short distance lamang at mayroong ibang uri ng transportasyon sa apektadong lugar.

Sa Metro Manila, higit 20K PUJ ang hindi pa nakipag-consolidate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *