National

Ilang senador, na-log out sa gitna ng Senate session dahil sa brownouts sa Luzon

Na-log out ang ilang senador mula sa sesyon sa Senado noong Martes dahil sa rotational brownouts sa Luzon.

Sa sesyon sa plenaryo ay sinabi ni Senate Juan Miguel Zubiri sa kapulongan na nakatanggap ito ng tawag mula sa kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kung saan ay sinabi nito na nakaranas ng power outages ang ilan sa mga senador.

Ayon kay Zubiri, bukod kay Drilon, ay kinailangan din mag-offline nina Senators Sonny Angara at Nancy Binay dahil sa rotational brownouts.

Ipinunto ni Zubiri na kinailangan nilang iurong sa ibang oras o araw ang interpellation ng mga senador na hindi nakapag-log in.

Kalaunan ay nakabalik online si Drilon, na kumwestyon naman sa tax bill na sumasailalim sa deliberasyon sa Senado.

Mababatid na ipinatupad sa Senado ang “hybrid” plenary sessions at committee hearings dahil sa implementasyon ng mga restriksyon sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa na idinulot ng COVID-19 pandemic..

Kung maalala ay itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon Grid, kabilang na ang Metro Manila, sa red alert at yellow alert.

Ang ibig sabihin ng red alert ay kulang ang power supply sa grid, habang ang yellow alert naman ay nangangahulugan na mababa ang power reservers dahil sa mataas na demand sa kuryente.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago