Tropical Storm Dante, nag-landfall sa ikalawang pagkakataon sa Masbate

Nag-landfall sa ikalawang pagkakataon ang Tropical Storm Dante sa Masbate nitong Miyerkules.

Sinabi ng PAGASA na naobserbahan nito ang pag-landfall ng sentro ng bagyo sa bisinidad ng Cataingan sa naturang probinsya.

Una nang nag-landfall ang bagyo sa Eastern Visayas kagabi.

Sa 2 a.m. weather bulletin ng PAGASA ay sinabi nito na taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na pumapalo sa 65 kph at pagbugso na umaabot sa 90 kph.

Ayon sa PAGASA, posibleng manatili ang Dante bilang tropical storm sa susunod na 12-oras bago ito humina sa isang tropical depression ngayong araw.

Sa ngayon ay nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar sa Luzon: Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Norte, western at central portions ng Camarines Sur, southern portion ng Quezon, eastern portion ng Marinduque, at sa northern at eastern portions ng Romblon.

Sa Visayas naman ay nasa ilalim ng Signal No .2 ang Biliran, northern at central portions ng Samar, at western portion ng Northern Samar.

Isinailalim rin ng PAGASA ang ilang mga lugar sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.

Kabilang sa mga ito ay ang southern portion ng Isabela, Ifugao, Mountain Province, eastern portion ng Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, eastern portion ng Nueva Ecija, Rizal, Laguna, eastern portion ng Batangas, nalalabing bahagi ng Quezon kabilang na ang Polillo Islands, Oriental Mindoro, nalalabing bahagi ng Marinduque, nalalabing bahagi ng Romblon, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, at Catanduanes.

Sa Visayas naman ay isinailalim sa Signal Number 1 ang nalalabing bahagio ng Northern Samar, nalalabing bahagi ng Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, northern portion ng Cebu kabilang na ang Bantayan at Camotes Islands, northern portion ng Bohol, northern portion ng Negros Occidental, northern at eastern portions ng Iloilo, Capiz, Aklan, at northenr portion ng Antique.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ang Dante ng katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Biliran, Leyte, Southern Leyte, at northern portion ng Cebu kabilang na sa Camotes at Bantayan Islands, sa northern portion ng Negros Occidental, Aklan, Capiz, sa northern portion ng Antique, sa northern at eastern portions ng Iloilo, Masbate, at Romblon.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, nalalabing bahagi ng Calabarzon, northern portion ng mainland Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Dinagat Islands, at Camiguin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *