Ilang Senador – nag-react sa kasalukuyang estado ng UniTeam

Naniniwala si Senador Chiz Escudero na 98% ng wala ang tambalang Uniteam BBM- Sara.

Ito ay matapos tapatan ng prayer rally sa Davao ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang Bagong Pilipinas kick-off rally sa Grandstand, Quirino ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Escudero, hindi maitatanggi na naging maanghang ang mga pahayag ni PRRD kay PBBM tulad ng pagsabi nitong drug addict ang Pangulo.

Kaugnay nito, ayon kay Escudero, malinaw na makikitang natuldukan na ang tambalan ng dalawa.

Samantala, naniniwala rin umano siya na magandang sagutin ito ng tagapagsalita ng Pangulo upang malaman ang naging basehan ng mabigat na akusasyon ni PRRD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *