Ilang sendor, nais paimbestigahan ang pagpapatayo ng BuCor ng pader sa Muntinlupa

Nagpatawag si Senator Leila de Lima ng imbestigasyon kaugnay sa konstruksyon ng Bureau of Corrections ng pader sa Muntinlupa.

Sa Senate Resolution No. 957 ay sinabi ni De Lima na posibleng nagkaroon ng paglabag ang BuCor dahil sa kabiguan nito na sumunod sa mga ordinansa.

Dagdag ng senadora, posibleng paglabag rin ito sa karapatang pantao nang maharang ang kanilang access sa lungsod dahil sa pader.

Iginiit ng senadora na hindi bahagi ng otoridad ng BuCor at ng mga opisyal nito ang ginawang konstruksyon ng pader.

Matatandaan na ipinatayo ng BuCor ang pader noong November 26 upang ipasara ang Insular Prison Road sa Muntinlupa City, na inaasaha nitong pipigil sa mga ilegal na aktibidad sa loob ng New Bilibid Prison.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *