Ilang senior citizen sumailalim sa pagsasanay para maging deputized traffic enforcers

Isinailalim sa pagsasanay ng Olongapo City Government ang ilang mga senior citizen mula sa iba’t ibang baranggay.

Ito ay para maging ganap na deputized traffic enforcers sa pamamagitan ng Traffic Management and Public Safety Office, Barangay Affairs Office at Office of the Senior Citizen Affairs.

Ayon kay Traffic Management Chief Maj.Camilo Pablo, ang mga ito ang magmamando ng trapiko sa umaga pagpasok ng mga estudyante at pag-uwian sa hapon pero may mga tauhan pa rin ng OTMPS na aalalay.

Nilalaman ng training ang mga kinakailangan para magiging ganap na deputized officers na i-dedeploy sa mga tawiran ng pampublikong paaralan.

Inaasahan namang bago matapos ang school year ay magsisimula nang mag-duty ang mga ito bilang bahagi ng pagsasanay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: OLONGAPO CIC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *