Ilang small time vendors sa lungsod ng Legazpi nanawagan kay Mayor Rosal

LEGAZPI-Nanawagan ngayon ang ilang small time vendors ng lungsod ng Legazpi kay Legazpi City Mayor Noel Rosal na payagan na silang muling makapagbenta o kahit take out na lamang sa mga customer para hindi tuluyang malugi ang kani-kanilang negosyo.


Ito nga ay matapos na muling hilingin ni Rosal sa Bicol Inter-agency Task Force (BIATF) ang pagpapalawig pa ng isang linggo na extension sa paghihigpit sa guidelines at health protocols ngayong nagpapatuloy na MGCQ sa lungsod.


Ayon kay Judith Rucoyan, nagtitinda ng buko sa Legazpi City boulevard, aabutin ng 15 days simula ng order mula sa LGU para sa temporary close. kung sakali man umano na maaprobahan ito, hangad nila na kahit ang pag take out ng customer ay payagan na. Dahil ilan umano sa mga inuman at ibang negosyo sa kanilang lugar ay bukas naman.

Sa ngayon pag-uusapan ng Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at LGU Legazpi ang nasabing rekomendasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *