Ilang supporters ni FPRRD, nagprotesta sa Senado upang pababain sa pwesto ang Pangulo

Hindi nagpahuli at tinapatan din ng kilos-protesta ng ilang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naging kilos-protesta kahapon ng mga supporters ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa harap ng Senado.

Ayon sa ilang FPRRD supporters, alas syete pa lang ng umaga ay nagsimula na silang magtipon-tipon upang ipanawagan na pababain sa pwesto ang Pangulo.

Maliban pa roon, marapat din umanong dumaan sa drug test ang Pangulo upang magarantisa na hindi siya gumagamit ng anumang droga.

Ito ay alinsunod sa patuloy na iniimbestigahang pag-leak ng dokumento mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nag-uugnay sa di umano’y drug use ng Pangulo.

Maalala, kahapon ay nagsagawa rin ng kilos-protesta ang mga loyal supporters ni PBBM upang ipanawagan na papasukin na ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *