Ilang transport groups, ‘di sasama sa tigil-pasada ng MANIBELA

Sinigurado ng transport group na Pro-Movers Transport Alliance na walang silang balak lumahok sa transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA sa Lunes.

Ayon sa grupo, hindi sila makikilahok dahil layon lang nito na pahirapan ang riding public.

Dagdag pa nila na handa silang magbigay ng libreng sakay kung kakailanganin nang hindi lubos na maapektuhan ang mga commuter sa tigil-pasada.

Samantala, nauna ng nagpahayag ang grupong Manibela ng malawakang tigil-pasada ng kanilang grupo sa darating na Lunes (Oktubre 16, 2023) bilang sagot sa ibinulgar na malawakang koruspsyon sa LTFRB.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *