National

Ilang transport groups hindi makikiisa sa isang linggong transport strike

Nagpasya ang ilang transport groups na huwag makiisa sa isang linggong transport holiday na inorganisa ng kanilang mga kasamahan simula bukas.

Habang kinikilala ang pagtutol ng iba pang transport groups sa public utility vehicle modernization program ng gobyerno, ipinaliwanag ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines President Ricardo Rebaño na ipagpapatuloy nila ang serbisyo sa mga commuters ngayong linggo.

Aniya, karamihan sa mga miyembro ng FEJODAP, kabilang ang mga nasa labas ng National Capital Region ay nagsabi sa kanya na hindi sila sasama sa transport strike.

Samantala, sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Lando Marquez na nag-backout ang ilang transport groups na naunang sasali sa trike.

Samantala, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na kasama sa paghahanda ng gobyerno para sa transport strike ang paglalagay ng mga assets para makatulong sa mga commuters, gayundin ang posibleng isang oras na extension ng mga serbisyo ng tren at posibleng suspensiyon ng number coding scheme.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Mahigit 500 milyong pisong halaga ng infra projects, pakikinabangan ng mga kasundaluhan sa rehiyon

BNFM Bicol – Inaasahang mapapakinabangan na simula sa susunod na taon ang nasa mahigit kalahating…

16 mins ago

43 anyos nga lalaki nga nisurrender sa iyang armas nakadawat ug usa ka sakong bugas.

Nakadawat ug usa ka sakong bugas ang usa ka 43 anyos nga lalaki homan gisurrender…

20 mins ago

Baybaying dagat ng Milagros, Masbate, positibo pa rin sa Toxic Red Tide

Positibo pa rin sa toxic red tide o Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) ang coastal waters…

26 mins ago

House Ethics Committee, magkakasa ng pagdinig laban kay ex-speaker Alvarez

Kinumpirma ni Ako Bicol Party-list Representative Jil Bongalon na iimbestigahan na ng House Committee on…

27 mins ago

Rice Tariffication Law, target na maipasa sa committee level sa Kamara sa susunod na linggo

Ibubuhos na ng mga kongresista ang kanilang panahon upang madaliin ang pag-apruba sa mga panukalang…

45 mins ago

Pagbabalik sa dating school calendar, tiyak na makatutulong umano na maiwasan ang tindi ng init sa mga susunod na taon

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Senador Win Gatchalian na napapanahon na para…

53 mins ago