Ilang Undas related incident tulad ng pagkabagok ng ulo sa nitso habang nag iinuman sa loob ng sementeryo naitala sa Camarines Norte Provincial Hospital

CAMARINES NORTE – Naitala sa Camarines Norte Provincial Hospital ang ilang mga pangyayari na may kinalaman sa paggunita ng Undas.

Mula November 1 at 2 ay ilang mga pasyente ang naisugod sa CNPH.

Kabilang dito ang isang 53 anyos na lalaki dito sa Daet na nagtamo ng sugat sa ulo makaraang mabagok sa nitso habang nag- iinuman sa loob ng sementeryo sa Barangay II, Pasig dito sa bayan ng Daet.

Naisugod ito sa CNPH pasado ala 1 ng hapon na nakalabas din naman makaraang gamutin ang tinamong sugat.

Nagkaroon naman ng soft tissue injury ang isang 53 anyos na babae mula sa bayan ng Talisay.

Ito ay makaraang bumagsak sa lupa habang naglilinis ng nitso sa Talisay cemetery, tanghali ng All Saints Day. Binigyan ng gamot ang pasyetne pagkatapos ng consultation.

Dead o arrival naman sa ospital  pasado ala una ng madaling araw ang isang 80 anyos na babae mula sa bayan ng Basud. Walang ibinigay na impormasyon patungkol dito.

Samantala, patay naman ang isang lalaki sa aksidenteng kinasasangkutan ng truck at tricycle sa bayan ng Basud noong tanghali ng All Saints Day. Ayon sa pulisya, nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang drayber ng traysikel na kinilalang si Rod Buenaflor, 30 anyos may asawa, at residente ng Jose, Panganiban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *