Ilegal na libingan ng mga bata sa SBSI, sisiyasatin sa Senado

Isinawalat ni Sen. Bato dela Rosa na may ilegal na libingan ng mga bata ang diskubre sa Socorro Bayanihan Sevices Inc. (SBSI)

Dahil dito, inihayag ni Dela Rosa, na isama sa imbestigasyon ng senado ang natuklasang libingan.

Ayon sa senador, nais nilang malaman kung pinapayagan ba ang SBSI na gamitin ang lupain bilang ekslusibong libingan para sa kanilang grupo.

Pinagtataka din ni Dela Rosa kung bakit pawang mga bata ang nakalibing sa naturang sementeryo.

Inatasan na rin ng senador ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang ilegal na libingan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *