Iligal na rally malapit sa inauguration ni Marcos, ‘di pahihintulutan – PNP

Hindi umano papahintulutan ang pagsasagawa ng mga iligal na rally malapit sa venue ng inauguration ni President elect Bongbong Marcos sa darating na June 30.

Inaasahan na hindi papahintulutan ng Civil Disturbance Management (CDM) na makalapit o makapagsagawa ng mga protesta malapit sa venue ang sinumang makakaliwang grupo.

Samantala, inihayag naman ni Maj. Gen. Valeriano de Leon ng Philippine National Police na wala pa silang natatanggap na kahit anong impormasyon sa mga local government partikular na sa Manila, Quezon City at sa Davao City tungkol sa mga gagawing pagpoprotesta.

Dagdag pa dito, sapat naman ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbantay sa nasabing inauguration at kakailanganin lamang ang tulong ng kapulisan sa region 3 at 4 para sa traffic management.

Nakatakda na isagawa ang inauguration ni Bongbong Marcos sa katapusan ng Hunyo sa National Museum grounds sa Padre Burgos Avenue sa Manila.(ARIS DE SILVA)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *