Illegal recruiter, tiklo sa Rosario, Batangas

Tuluyang nahulog sa kamay ng mga otoridad ang babae umano’y illegal recruiter sa ikinasang operasyon sa Brgy. Timbugan, Rosario, Batangas, dakong alas-8:00 ng umaga kahapon, July 18, 2023.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang akusado na si Rosalie Rivera y Maranan, 49-anyos at itinuturing na Regional most wanted (CALABARZON) dahil sa kasong Illegal Recruitment.

Walang piyansa ang kinakaharap nitong kaso.

Sa ipinaabot na impormasyon sa Brigada Batangas ni PMaj. Ronnie B. Aurellano, hepe ng Rosario MPS, sinabi nitong naaresto ang akusado sa joint operation na kanilang inilunsad katuwang ang RIU 4A-PIT Batangas, PIU Batangas, Batangas MARPSTA at  SOU3 Maritime Group.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang naarestong ginang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *