Pinangunahan kagabi nina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos ang pagpapasinaya sa Pasig Bigyang Buhay Muli: Pasig River Urban Development Showcase sa lungsod ng Maynila.
May habang limandaang kilometro ang naturang proyekto, kung saan magkakaroon ng pampublikong parke na may pedestrian-friendly walkway, water fountain, pailaw at may seating area na maaari ring magsilbi bilang open-air venue sa mga event.
Bahagi ito ng comprehensive urban renewal project ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), kung saan chairman ang Department of Human Settlements and Urban Development DHSUD Secretary na si Jose Rizalino Acuzar.
Layon ng proyekto na i-transform ang Pasig River bilang sentro ng economic activity, turismo at lugar para itaguyod ang connectivity ng transportasyon sa Metro Manila at karatig lalawigan.