Imahe ni Ina at Divino Rostro nasa Paracale na

CAMARINES NORTE – Dumating na nitong Lunes ng hapon ang ang pilgrim image ni Ina, Nuestra Señora de Peñafrancia at Divino Rostro sa isa sa pinakamatandaang simbahan sa Camarines Norte ang Parroquia De Nuestra Señora De Candelaria sa Paracale.

Sinalubong si Ina ng mga mananampalatayang  Paracaleno sa pamamagitan ng liturgical reception na pinangunahan ni Fr. Noel Domingo, ang Kura Paroko sa lugar. Nanggaling ang imahe sa Parish of St. Didachus of Alcala sa Bagong Silang, Labo.

Mananatili ang dalawang imahe sa Paracale hanggang sa Miyerkules, May 8 ng umaga at sa kaparehong araw ay dadalhin naman si Ina at Divino Rostro sa Parish of St. John the Apostle and Evangelist sa downtown Labo sa ganap na aalas 9 ng umaga. Magkakaroon ng banal na misa sa alas 10 at alas 3 naman ng hapon ay dadalhin na sa Parish of Our Lady of Peñafrancia sa Barangay Gubat dito sa Daet at mananatili hanggang sa May 10 ng umaga.

Pagsapit ng hapon ay dadalhin na ang mga imahe sa Parish of St. Pius X sa Villazar, Sipocot, Camarines Sur na siya namang simula ng pagdalaw ni Ina at Divino Rostro sa Diocese of Libmanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *