Imahe ni inang peñafrancia, sinigurong hindi mababastos ms. bicolandia 2023

NAGA CITY – Siniguro ng Committee ng Ms. Bicolandia 2023 na hindi mabababastos ang imahe ni inang Peñafrancia pag dating sa pagpresenta ng mga costume ng kandidata, sa gaganaping pageant sa darating na Setyembre sa Naga City bilang pagdiriwang ng Peñafrancia fiesta.

Sa Media Press Briefing kaninang umaga, sinabi ni Councilor. Sonny Rañola na Chairman ng nasabing event na istrikto sila rito dahil ang lahat ng ipapalabas ay morally guided.

Ayon naman kay Councilor Jose Perez na Co-Chairman ipinaliwanag nito na wala dapat irepresenta ang pananamit sa imahe ni inang peñafrancia, dagdag pa niya may prescribe na costume na isusuot ang mga kandidata kaya wala dapat ikabahala ang publiko na may malalabag na mga panuntunan ang nasambing kompitisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *