Imbestigasyon ng ERC sa power outages Panay – aabot umano ng 2 buwan

Inaalam pa rin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mismong pinagmulan ng malawakang power outages sa Panay.

Sa isang panayam, sinabi ni ERC chair Monalisa Dimalanta na tama naman daw ‘yung paliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mayroon talagang bumigay na planta.

‘Yun nga lang – kailangan pa rin daw alamin kung bakit ito nangyari, nagkaroon ng unplanned outage, at kung may problema ba sa mismong planta o sa linya nito.

Sa ngayon, inaasahang tatagal pa raw ng isa hanggang dalawang buwan ang imbestigasyon para rito.

Kaugnay niyan, marami nang mga mambabatas mula sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpahayag ng suporta para sa legislative inquiry hinggil sa issue.

Inaasahan ding magpa-file si Senador Bato dela Rosa ng isang resolusyon para paimbestigahan ang pagkawala ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *